Vice sa MMFF 2024 entry: Walang nagmumura at nagbabato ng upuan
ITINUTURING ni Vice Ganda bilang isa sa bonggang milestones ng kanyang showbiz career ang mapasama sa 50th edition ng Metro Manila Film Festival (MMFF).
Ilang beses nang nag-topgrosser ang mga pelikula ng Phenomenal Box-office Star sa MMFF kaya naman abot-langit ang kanyang excitement at pasasalamat dahil napasama sa 10 official entry this year ang movie niyang “And The Breadwinner Is…”.
“Espesyal ang taon na ito, 50th anniversary ng MMFF. So, may milestones sa Metro Manila Film Festival. So, ikinagagalak ko din naman na makasama sa taong ito dahil ilang taon din naman akong halos taun-taon na nandidito.
“So, siyempre iba, iba yung 50th, e. So, golden year ng ano, ng film festival kaya gusto ko din talaga,” ang pahayag ni Vice sa naganap na announcement ng Final 5 entries para sa MMFF 2024 nitong October 22, sa The Podium, Mandaluyong City.
“Kaya nu’ng nagpahinga ako last year, sabi ko, ‘Sana makabuo tayo next year, kasi 50th ng filmfest, para kasali naman ako dun dahil mahalagang-mahalagang bahagi at panahon ito para sa Metro Manila Film Festival.’
“Kasi this year, dito sa And The Breadwinner Is…, nu’ng binubuo pa lang nila yung pelikula, they have been planning to introduce…ABS-CBN, Star Cinema, and IdeaFirst, they have been planning to introduce a… sabi nila, ‘Vice Ganda New Movie Era.’ Sabi nila.
“So ito daw yun, itong ‘And The Breadwinner Is…’. Kaya excited na excited na po akong panoorin. First time kong gumawa ng pelikula na hindi pina-preview sa akin.
“Regalo daw po nila sa akin sa Pasko. Di nila pina-preview dahil sabi nila, ‘Gusto naming mapanood mo sa premiere night itong regalo namin sa iyo,’” pahayag pa ng TV host-comedian.
Paglalarawan naman ni Direk Jun Lana sa kauna-unahan nilang collab ni Vice, “Maraming bago, maraming kakaiba, but we also made sure na it’s still the same Vice, the trademark na Vice Ganda na mahal ng mga manonood natin.
“Ito pa rin yung makikita pero maraming bago. Maraming challenges na ibinigay kay Meme. Nagpapasalamat ako na in-embrace niya lahat ng ginawa namin. And I’m just really excited.
“Isa sa bucket list kong makasama si Meme makagawa ng isang pelikula,” sabi ng direktor.
Tungkol naman sa naging experience ni Vice working the award-winning director, “Napakasaya po! Napakasaya nu’ng karanasan na makatrabaho sila, yung buong IdeaFirst.
“Sinasabi ko nga at ipinagmamalaki ko sa ABS-CBN, parang ito yung pelikula ko na pinakamapayapa mula simula hanggang dulo. Yung walang nag-aaway, walang nagagalit, walang direktor na sumisigaw, walang nagmumura, walang nagbabato ng upuan.
“Masaya lang lagi! Tapo sobrang galing ng grupo nila. Sobra nilang galing, sobra nilang professional. Sobrang loving. Sobrang supportive, and that’s what I lack. Parang I was given so much love and support, and I needed that at that time.
“Kasi siyempre, bago ito, e. Bago yung pinapagawa, bagong konsepto, bagong dama. Parang it’s familiar but it’s different.
“So, hindi ko siya comfort zone pero sobra yung pinaramdam nila sa aking suporta at pagmamahal. Kaya mukha namang naitawid ko!” sey pa ni Vice.
Kasama rin sa MMFF 2024 entry ni Vice sina Eugene Domingo, Gladys Reyes, Jhong Hilario, Maris Racal, Anthony Jennings at Kokoy de Santos.