Kathryn, Alden dapat bumida sa remake ng hit K-drama na ‘Queen of Tears’

Kathryn, Alden dapat bumida sa remake ng K-drama na 'Queen of Tears'

Kim Soo-hyun, Kim Ji-won, Kathryn Bernardo at Alden Richards

MGA ka-BANDERA, agree ba kayo sa suggestion ng KathDen fans na sana’y gawin nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang remake ng hit South Korean series na “Queen of Tears“?

In fairness ha, hindi pa man ipinalalabas ang reunion movie ng KathDen na “Hello, Love, Again” sa mga sinehan ay may request agad ang mga fans na follow-up project sana ng dalawa.

Dahil sure na sure na raw ang pagiging blockbuster ng “Hello, Love, Again”, sana raw ay pagtambalin naman sina Alden at Kath sa isang TV project.

Dapat daw mag-collab uli ang GMA 7 at ABS-CBN para mag-produce ng bagong teleserye para sa dalawang superstar.

At ang request nga nila ay ibigay kina Alden at Kathryn ang Philippine adaptation ng pak na pak na Korean drama series na “Queen of Tears.”

Pumatok nang bonggang-bongga hindi lang sa South Korea ang naturang serye na pinagbidahan ng South Korean stars na sina Kim Ji-won at Kim Soo-hyun

Maraming netizens ang nag-share sa socmed ng mga litrato ng KathDen mula sa isang lifestyle magazine, kung saan sila ang cover story.

Sabi ng isang KathDen fan sa kanyang caption, “Parang bagay po sa kanila yung adaptation ng Queen of Tears.”

Um-agree naman ang halos lahat ng netizens na nagkomento sa naturang post.

“Yes agreed, bagay naman kay Kath magmaldita eh.”

“Sana nga jusko, another collab sana ng ABS at GMA!”

“Wyy hindi ko pa sya napapanood pero parang bagay sa kanila.”

“Bagay na bagay I watch it already a very good k-drama my favorite one.”

“Dibaaaa, nung una naisip ko wag. Pero ngyon pwedeeee, lalo parang under ngyon si alden kay kath.”

Unang nag-collab ang ABS-CBN at GMA Network sa hit teleserye na “Unbreak My Heart” na pinagbidahan nina Joshua Garcia, Richard Yap, Gabbi Garcia, at Jodi Sta. Maria.