Maituturing na magandang senyales na ang mga kilalang artistang napapanood sa pelikula tuwing Metro Manila Film Festival (MMFF) ay muling gumawa ng kanya-kanyang pambato para ngayong Kapaskuhan.

 

Coco Martin

 

Masasabi ring isa itong magandang hudyat ng pagsiglang muli ng pelikulang Filipino.

Isa raw ito sa mga dahilan kung bakit naisipan ng actor/director na si Coco Martin na muling gumawa ng pelikula bilang kanyang MMFF entry, ang Labyu with an Accent ng Star Cinema.

Sa ginanap na mediacon ng movie sa ABS-CBN Dolphy Theater kamakailan, sabi ni Coco, “Naisip ko itong project na ito kasi alam ko nga na magde-December. Di ba, ang tagal nating… almost three years na hindi tayo nakalabas ng mga bahay natin.

“Hindi tayo nakanood ng sine, which is, yun ang tradisyon nating mga Filipino na kapag Pasko, ito na ang reunion ng parang lahat ng pamilya natin, mga barkada, mga asawa, anak…

“Parang sabi ko ngang ganun, bakit hindi tayo gumawa ng isang pelikula na alam nating baka sakali, matulungan ulit natin ang industriya na makabalik.

 

Coco, Jodi embrace challenge to create new characters | ABS-CBN News

 

“Yung mga tao na ito ang magiging dahilan, yung mga pelikula ng Metro Manila Film Festival ngayon, naggawaan.”

Sabi pa niya, ikinatuwa rin daw niya nang malaman niyang si Vice Ganda ay may entry rin.

“Natutuwa talaga ako, kahit si Vice, gumawa ng pelikula ngayon. Napakaraming magagandang pelikula ngayon na kalahok. Nakakatuwa kasi, nagtutulong-tulong tayong lahat ngayon sa industriya para makabalik tayo.

“Kaya ako, noong naisip ko, sabi ko, dapat ang gawin nating pelikula yung makakapag-inspire sa mga tao. Kasi, alam naman natin ang hirap na pinagdaanan, yung lungkot. Ang tagal nating hindi nakalabas ng bahay.

“Siyempre, dapat kung gagawa tayo ng pelikula, dapat yung mapapaligaya natin sila, mapapatawa natin sila, mai-inspire natin sila at mapapa-ibig natin sila.”

Dugtong pa niya, “Ang konsepto ng pelikulang ginawa namin, kumpletos rekados. Kaya kahit pinapanood ko pa lang siya sa trailer, nakangiti ka na.”

 

Coco Martin, Jodi Sta. Maria Team Up For "Labyu With An Accent" | Metro.Style

 

COCO WORKS NON-STOP TO FINISH MOVIE

Malaking porsiyento ng Labyu with an Accent ay kinunan sa Los Angeles, California. Talagang lumipad ang karamihan sa cast sa America kahit na sabihin na hanggang ngayon, may COVID-19 pa rin.

Ginawa ito ni Coco pagkatapos na mag-finale episode na ang matagumpay niyang primetime series na FPJ’s Ang Probinsyano.

Kaya puwedeng sabihin na wala pa talaga siyang pahinga.

“Actually, yung pahinga, hindi pa,” pagsang-ayon nga niya.

“Binubuo ko ang concept na ito noong ginagawa ko pa ang Ang Probinsyano. Kasi, sabi ko nga noon, nag-look forward ako kasi, bago pa mag-pandemic, gumawa rin kami ng pelikula ni Angelica Panganiban, yung Love or Money.

“’Tapos, after that, na-stop. ‘Tapos, nakita nga natin na nag-struggle na ang industriya natin. Noong naramdaman ko, ako mismo ang lumapit sa Star Cinema at kinausap ko sila na baka sakali, matulungan ulit natin ang industriya.

“Sabi ko, meron akong concept na baka magustuhan ninyo. ‘Tapos, ang nasa isip ko rito, si Jodi. Kasi, alam ko na si Jodi, katatapos lang ng soap-opera niya. ‘Tapos, ako naman, patapos na ang Ang Probinsyano.

 

 

Jodi Sta. Maria, Coco Martin pumarada

 

“And then, kinuwento ko sa kanila ang konsepto. Nagustuhan naman nila and noong nalaman ko na meron akong shows sa America para magpasalamat sa mga Filipino, sabi ko, ise-segue ko na roon ang kuwento na habang nandoon ako, habang nagsu-show ako, yung mga araw ko na wala akong trabaho, nagsu-shooting naman ako.

“Kaya yun ang nangyari sa amin.

“Nag-show kami and after that, dire-diretsong shooting ng pelikula. Pagkatapos namin ng pelikula, nag-show ulit kami. Pag-uwi namin ng Manila, nag-shooting kami ulit dito at natapos namin ang pelikula. Ngayon, ine-edit na lang po namin.”

COCO EXPLAINS WHY HE CHOSE JODI AS HIS LEADING LADY

Bagong tambalan din nila ni Jodi Sta. Maria ang mapapanood sa MMFF. At ang tanong nga, bakit si Jodi ang napili niyang maging leading lady?

“Actually, inspired ito doon sa experience ko noong nag-trabaho ako sa Canada noon,” sey niya.

“Kasi sabi ko nga, noong nagsisimula akong mag-artista sa indie films, hindi naman talaga pag-aartista ang gusto ko kung hindi ang makapagtrabaho abroad.

“Yun talaga ang mindset ko kaya ako pumasok sa pag-aartista at sa indie films. Kasi nga, kapag sinabi mong indie films, malaki ang potential na ilaban sa abroad.

“At yung mga na-experience ko doo’, pinasok ko rito sa pelikula. And then, ang advantage naman, si Jodi, alam ko na meron din siyang magandang experience abroad. Kaya doon ko sinimulan ang kuwento, doon ako na-inspire kaya nabuo ang pelikula.”

 

 

 

JODI DI MAIWASANG KILIGIN KAY COCO MARTIN sa LABYU WITH AN ACCENT KICKOFF SA MARKET MARKET - YouTube

 

 

 

COCO AIMS FOR ‘ORGANIC’ ONSCREEN CHEMISTRY

Dahil pareho silang mahusay na aktor at aktres ni Jodi, sa trailer pa lang, may nakikita nang chemistry o kilig sa kanilang dalawa.

Nakita niya ba rin iyon?

“Sa aming mga artista, napaka-importante na napaka-organic ng eksena. Kasi, kapag masyado mo siyang nire-rehearse, masyado mong inaaral ang script mo, mape-perfect mo iyan,” saad ni Coco.

At sabi niya rin, “Pero minsan yung magic, yung merong bigay na iba, kasi kunwari, ni-rehearse niyo iyan, prinaktis niyo iyan, expected niyo na ang ibibigay ng bawat isa.

“Like si Jodi, hinahayaan ko rin siya na buuin ang character niya. Sinu-surprise ko rin siya. Hindi rin niya alam ang lines ko. Kasi, hindi ako nagbibigay ng script. Nagsasabi lang ako na, ‘Jods, ito lang ang sasabihin mo, ito ang sasabihin ko.’

“Pero, palagi akong may baon. Hinahayaan ko rin si Jodi na maglabas ng baon niya which is, kapag pinanood mo, yung hindi mo inaasahan na sinasabi namin, nandoon yung kilig.

Meron daw silang unang eksena ni Jodi na wala silang script, wala rin silang guide, pero noong panoorin daw niya, kinilig siya.

“Siguro sabi ko, dahil napakahusay na artista ni Jodi, nadadala niya ako, nahihila niya ako. Kasi ako, sponge lang ako. Kung ano ang ibibigay ng co-actor ko, sinasalo ko lang.”