Tungkol sa buhay pag-ibig ang nakikitang pagkakahawig ni Jak Roberto kay Johann Gonzales Chua, isang sa mga atletang nag-uwi ng gold medal mula sa 31st SEA Games.

Jak Roberto and girlfriend Barbie Forteza

Pino-portray ni Jak ang life story ni Johann na tampok sa Magpakailanman episode na pinamagatang “Batang Kampeon sa Bilyaran.”

Bago ipalabas ang episode mamayang gabi, May 28, 2022, nagkaroon ng “Kapuso Kuwentuhan Live with Jak Roberto” sa Facebook page ng Kapuso show noong May 26.

“Parehas kaming magaling magbilyar,” at tumawa si Jak. “Hindi joke lang!”

Saka niya ikinumpara ang tagal ng relasyon ni Johann kay Geona Kristine Gregorio, na isa ring billiards master, sa relasyon ni Jak sa kanyang “Madam” na si Barbie Forteza.

“Similarity namin, yung relationship niya [Johann] kay Geona, ten years na. So di ba, ganun na sila katagal, so ina-idol ko siya talaga.

“Kami naman ni Madam, five years na. So tingin ko, yung similarity namin parehas kaming mapagmahal. Saka parehas kaming mabait.”

Isa rin sa mga naitanong: Kumusta si Barbie bilang girlfriend?

Sagot ni Jak, “Sa bawat project na ginagampanan ko, lagi siyang nakasuporta. At saka chini-cheer up niya ako palagi kapagka may doubt ako sa sarili ko, ganun.

“And tulungan din kami na mag-grow. So kung kailangan niya rin ng help ko, tinutulungan ko rin siya, ganun rin siya sa akin. So tulungan lang.”

Napag-uusapan din lang si Barbie, ilang anak ang gusto ni Jak in the future?

“Kambal agad! Babae, lalaki, okay na yun, ganun.”

Ikinuwento rin ni Jak na nasa tabi niya si Barbie nang namatay si Jong-jong, ang aso ng kanilang pamilya.

“Very supportive ever since talaga. Sinuportahan niya ako, even sa pagmo-motor. Dati talagang ayaw niya, pero kahit ayaw niya, siya pa rin bumili nung gear sa akin.

“Sa pet namin, lalo na nito nga…” at nahinto sa pagsasalita si Jak. “Sakit kasi, e.

”Anyway, sinamahan niya rin kami dun sa vet namin para sunduin yun nga, yung dog namin.”

JAK MOURNS PASSING OF PET DOG

“Would you rather know the future, or change a mistake that you did in the past?”

Bilang sagot sa tanong na ito, idinetalye ni Jak ang lungkot na naramdaman nila ng kapatid na si Sanya Lopez sa pagpanaw ni Jong-jong.

Sanya Lopez and dog Jong-jong

“Alam mo recently lang naisip ko iyan. Kasi nga one of our dogs died nung isang araw, and grabe ang sakit! Na ngayon pag naaalala ko, nalulungkot pa rin ako.

“Si Sanya, grabe iyak ni Sanya nung namatay yung dog namin.

“So yung tanong na iyan…ako kasi yung nakakakita sa pet namin na yun and ako yung nakapansin na matamlay.

“’Tapos ako din yung nagdala sa vet namin nung time na yun, nadala namin pala, so dinala ko yung isa kong dog pag-uwi ko.

“Nakita ko matamlay yung si Jong-jong, yung dog nga ni Sanya, dinala sa vet, inoperahan ‘tapos…”

Hindi na natapos ni Jak ang kanyang sasabihin dahil nagpipigil na siyang umiyak.

“Anyway, kung maibabalik ko yung pagkakataon, kasi ang nangyari, ang naging cause nung pagkamatay nung dog namin na yun is nakakain ng foreign object. Nakakain ng tali na hindi na niya mailabas and namamaga na yung bituka niya.

“Kaya kailangang putulin or alisin yung bituka niya. E, malaking part ng intestine niya yung tinanggal so hindi kinaya nung dog yung recovery.

“Wala, walang choice, e, kasi ginawa naming lahat yung kailangan naming gawin, pati yung vet namin.

“Kaya lang hindi na talaga kaya, nasa recovery na nung dog namin, e.”

Throughout the Q&A live session with fans, naluluha si Jak sa tuwing naaalala niya si Jong-jong.

“Sorrry, kapag napag-uusapan kasi, e. Kung maibabalik ko yung pagkakataon na… aalisin ko yung naging cause nung pagkamatay nung dog namin, yung tali, i-a-avoid ko yun sa bahay. Talagang babantayan ko silang lahat 24 hours para walang makain na kung ano.

“So ayun, guys, sana maging aware din kayo sa, lalo na yung mga fur parents diyan, sa mga dogs niyo na bantayan talaga.

“‘Tsaka maglinis sa bahay, na wala silang makain na ikaka-stomach upset nila or magiging cause para operahan or mangyari kagaya ng nangyari sa dog namin,” ang malungkot pa rin na pahayag ni Jak.