Ellen sa kanyang pagbubuntis: ‘Hindi ko naman tinatago…I just didn’t announce’
NAGSALITA na ang celebrity mom na si Ellen Adarna tungkol sa kanyang pagbubuntis recently.
Magugunitang nasorpresa ang maraming netizens nang ibandera ng kanyang mister na si Derek Ramsay na nanganak na ang aktres sa first baby nila.
Sa comment section ng isang Instagram post ni Derek, agaw-pansin ang isang netizen na nagsabing sinadya itong itago ng aktres upang sorpresahin ang madlang pipol.
“I didn’t know na buntis pala si Ellen. Now nanganak na. Wow!” komento ng isang IG user.
Sagot ng isang netizen, “Gusto kasi ni Ellen, surprise. ‘Yung malalaman na lang ng lahat na may baby na pala. My post sila dati.”
Hindi naman nagtagal ay nagsalita na si Ellen upang linawin ang sinasabi ng nagkomento.
Sey ng celebrity mom, “Hindi ko gusto surprise. Alam naman ng friends and family and ‘di ko naman tinatago.”
“When I go out, crop top ako kahit malaki tiyan. I just didn’t announce because I don’t need to,” paliwanag ng misis ni Derek.
Wika pa niya, “I want a quiet and peaceful pregnancy.”
“Last thing I need are opinions from people I don’t know and unsolicited advice,” aniya pa.
Humingi naman ng tawad ang netizen at sinabing: “Yes Ma’am Ellen, sorry hindi klaro ‘yung sinabi ko. Thanks sa clarification. Congrats.”
Maaalala ring isinulat namin dito sa BANDERA noong Septembre 20 ang tungkol sa pagbubuntis ni Ellen at girl ang magiging first baby nila ni Derek.
Kung matatandaan, October 23 nang ibinandera ni Derek ang masayang balita na nanganak na ang kanyang asawa.
Walang malinaw na petsa kung kailan isinilang ang panganay ng couple, pero makikita ang picture ni Ellen na nasa hospital bed at hawak ang isang sanggol.
News
Ai Ai delas Alas, Jiro Manio muling nagkita
Ai Ai delas Alas, Jiro Manio muling nagkita MULING nagkasama ang Kapuso comedy queen na si Ai Ai delas Alas at ang dating child actor na si Jiro Manio. Sa inilabas na balita ng GMA Integrated News noong Linggo, October…
Gabbi Garcia nahirapang mag-move on kay Ruru Madrid: First love ko, eh!
Gabbi Garcia nahirapang mag-move on kay Ruru Madrid: First love ko, eh! DIRETSAHANG inamin ng Kapuso actress na si Gabbi Garcia na totoong nahirapan siyang mag-move on nang maghiwalay sila ni Ruru Madrid. First love ng dalaga ang tinaguriang Kapuso Action Hero at…
Bianca Umali dinenay na nagli-live in na sila ni Ruru Madrid
Bianca Umali dinenay na nagli-live in na sila ni Ruru Madrid PINABULAAANAN ng Kapuso actress na si Bianca Umali ang mga espekulasyon na kasal at nagsasama na raw sila sa isang bubong ng kapwa Kapuso actor na si Ruru Madrid….
Janine Tugonon isa nang ganap na ‘mommy’, isinilang ang 1st baby
Janine Tugonon isa nang ganap na ‘mommy’, isinilang ang 1st baby OPISYAL nang naging nanay si Miss Universe Philippines 2012 Janine Tugonon. Isinilang na kasi niya ang panganay nila ng French partner na isang baby girl! Ang good news ay ibinunyag mismo ng…
Kiefer Ravena engaged na sa beauty queen na si Diana Mackey
Kiefer Ravena engaged na sa beauty queen na si Diana Mackey Engaged na si Kiefer Ravena sa beauty queen na si Diana Mackey. Engaged na ang basketball player na si Kiefer Ravena sa kanyang beauty queen girlfriend na si Diana…
Leni Robredo sinuong ang baha para mamigay ng relief goods sa Naga
Leni Robredo sinuong ang baha para mamigay ng relief goods sa Naga SA kabila ng mga pambabatikos na natatanggap ay patuloy pa rin ang pagbibigay ng tulong at pagresponde sa mga nasalanta ng bagyong Kristine si dating Vice President Leni Robredo….
End of content
No more pages to load