Gabbi Garcia nahirapang mag-move on kay Ruru Madrid: First love ko, eh!

Gabbi Garcia nahirapang mag-move on kay Ruru Madrid: First love ko, eh!

Gabbi nahirapang mag-move on kay Ruru: First love ko, eh!

DIRETSAHANG inamin ng Kapuso actress na si Gabbi Garcia na totoong nahirapan siyang mag-move on nang maghiwalay sila ni Ruru Madrid.

First love ng dalaga ang tinaguriang Kapuso Action Hero at talagang naapektuhan siya nang bonggang-bongga nang mag-break sila at tapusin na ang kanilang relasyon.

Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” kay Gabbi, natanong siya tungkol sa naging past nila ng kanyang ex-boyfriend na si Ruru.

Tanong ni Tito Boy sa aktres, “Guilty or not guilty: nahirapan mag-move on…” pero hindi pa man natatapos ang question ay sumagot agad si Gabbi ng, “Guilty.”
“Kay Ruru!” ang pagkumpleto ni Tito Boy sa “Fast Talk” segment. Napatigil muna sandali si Gabbi sabay sabing, “Kay Ruru? O, sige (guilty). First love ko, eh.”

Napangiti naman si Tito Boy at pinuri ang pagiging totoo at open ni Gabbi sa pag-amin ng naging feelings niya noon kay Ruru kahit na karelasyon na niya ngayon ang kapwa Kapuso star na si Khalil Ramos.

“Khalil is very open. He’s a smart person, he can handle things,” pagmamalaki naman ng aktres sa kanyang boyfriend.

In fairness, pareho na namang happy ngayon sina Gabbi at Ruru sa kanilang personal lives – kung may Khalil ang aktres ay may Bianca Umali naman ang hunk actor.

Sa isang panayam kay Ruru last year, nabanggit din niya sa “Fast Talk With Boy Abunda” na tanging si Gabbi lang ang naging dyowa niya bago naging sila ni Bianca.

“Nu’ng naging kami, sobrang bata pa po namin. Gabbi’s 15. Ako po, 16. And then, siguro, somehow, malaking factor na magkatrabaho po kami, loveteam kami, kailangan laging kami makita na sweet sa isa’t isa so siguro, du’n, du’n namin na-discover na in love kami,” paliwanag ng aktor.

“Kumbaga, nadala kami sa moment. Siguro, somehow, ako rin, personally, hindi pa rin po ako, hindi ganu’n kalawak ‘yung kaalaman ko when it comes to love,” sey pa ni Ruru.

Related Posts

Our Privacy policy

https://todaynews24hr.com - © 2024 News