Leni Robredo sinuong ang baha para mamigay ng relief goods sa Naga
SA kabila ng mga pambabatikos na natatanggap ay patuloy pa rin ang pagbibigay ng tulong at pagresponde sa mga nasalanta ng bagyong Kristine si dating Vice President Leni Robredo.
Sa katunayan, namataan itong lumulusong sa maputok na baha havang namamahagi ng malinis na tubig at relief goods sa mga residente sa Naga City, Camarines Sur.
Isa kasi ang Camarines Sur sa lubhang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine.
Sa ibinahaging Facebook post ng Kaya Natin! Movement for Good Governance and Ethical Leadership
ang mga larawan ni Atty. Leni kasama ang mga volunteers na namamahagi ng relief goods.
Ang mga larawan ay kuha ng netizen na si Egine Oquindo Baral.
“Sinuong ni former VP Leni Robredo ang mataas na baha para maghatid ng malinis na tubig at relief goods sa mga kababayan natin sa Naga City,” saad sa caption ng naturang post.
Nagsanib pwersa ang Angat Buhay Foundation at ang Kaya Natin! para mas mapalawak pa ang pagsasagawa at pagbibigay ng relief operations sa mga naapektuhan ng bagyong Kristine.
Ang Angat Buhay Foundation ay isang non-government organization na itinatag ni Atty. Leni matapos ang termino sa pagka-bise presidente.
VIDEO :