Rita Daniela kinasuhan ng acts of lasciviousness si Archie Alemania
KINASUHAN ng acts of lasciviousness ng Kapuso actress-singer na si Rita Daniela ang aktor na si Archie Alemania sa Office of the City Prosecutor sa Bacoor City.
Naghain ng formal complaint si Rita laban sa aktor ngayong araw, October 30. Taga-Bacoor si Rita kaya doon siya nagsampa ng demanda.
Rebelasyon ng aktres, nangyari raw ang pambabastos sa kanya ng aktor noong September 9, matapos siyang um-attend sa pa-thanksgiving party ng co-star nila sa “Widows’ War” na si Bea sa Quezon City.
“That being a public figure, a contractual artist with reputation to protect, it is very difficult for me to file the instant case but the trauma I was and am experiencing brought about by the incident gave me courage to face the consequences and file the instant case against the respondent,” pahayag ni Rita sa kanyang complaint affidavit.
Ani Rita, hindi na raw sana siya pupunta sa naturang event dahil nasa ospital ang kanyang nanay. Hindi lang daw siya makatanggi sa imbitasyon ni Bea.
Nakita ni Rita si Archie at halatang lasing na raw ito nang dumating siya sa party ni Bea at nag-dialogue pa raw ito ng, “Naku, Rita, huwag ka lumapit sa akin, napaka-f*ck*ble mo tonight ah!”
Nang pauwi na raw si Rita dakong 2:30 a.m. ng September 9, at nag-book ng Grab, ay sinamahan pa raw siya ni Redgynn Alba, ang senior program manager ng “Widows’ War”.
“Suddenly, a white SUV stopped in front of us and when the window rolled down I was surprised to see the Respondent (Archie Alemania) inside it, saying ‘Tara na, sumakay ka na, ihatid na kita.
“That I initially refused his offer since the Grab ride was already on its way but Respondent insisted by saying, ‘Ano ka ba sobrang late na. Ma-rape pa ng Grab driver. Icancel mo na yan!’
“Thinking that he was already sober and that he went back to his being an elder brother who could safely take me home. I agreed to ride with him and cancelled my Grab ride,” ang salaysay pa ni Rita.
Habang nasa loob na sila ng sasakyan at binabagtas ang Cavitex, bigla na lang siyang hinawakan ni Archie sa leeg at balikat. At nang makarating na raw sila sa bahay nila, ay nag-request na ang aktor ng kiss.
“However, this did not deter the Respondent, instead he forcibly got hold of my head and locked it with his grip and gave me a torrid kiss on the lips with his tongue out trying to put it inside my mouth.
“Feeling sexually violated, I pushed the Respondent with all my might while shouting at him to stop. I struggled several times but he did not stop on brushing his lips on mine against my will,” pahayag pa ni Rita.
Binulungan pa umano siya ni Archie ng, “Pa-booking naman sige na.”
Nagawa pa siyang yakapin ng aktor at hawakan mula sa likod nang hilahin nito ang kanyang bag. Dito na raw siya napaiyak at patuloy na nagpumiglas hanggang makawala na siya sa aktor at makalabas ng sasakyan.
Kinabukasan ay nag-text daw sa kanya si Archie at humihingi ng sorry sa ginawa niya.
Nagsumbong naman si Rita sa GMA management at hiniling na tanggalin na si Archie sa “Widows’ War”. Sabi ng aktres, matinding trauma raw ang inabot niya sa pambabastos ng aktor.
News
Rita Daniela, sinampahan ng reklamo si Archie Alemania sa di-umano’y pambabastos
Rita Daniela, sinampahan ng reklamo si Archie Alemania sa di-umano’y pambabastos Nagsampa ng reklamong acts of lasciviousness ang Kapuso singer-actress na si Rita Daniela laban sa aktor na si Archie Alemania sa Office of the Prosecutor ng Bacoor City Ayon…
Sanya pinalabas ng artista sa tent dahil extra lang; nginudngod sa eksena
Sanya pinalabas ng artista sa tent dahil extra lang; nginudngod sa eksena NARANASAN din pala ng Kapuso actress na si Sanya Lopez na mapalayas ng tent sa shooting noong nag-eekstra pa lang siya sa TV at pelikula. Fresh na fresh pa sa utak ng…
Rita Daniela nagmakaawa kay Archie Alemania: ‘Kuya, huwag! Kuya kita’
Rita Daniela nagmakaawa kay Archie Alemania: ‘Kuya, huwag! Kuya kita’ NA-SHOCK ang mga supporters ng Kapuso actress at singer na si Rita Daniela matapos sampahan ng kasong acts of lasciviousness ang aktor na si Archie Alemania. Maraming nakisimpatya sa umano’y dinanas ni Rita sa mga…
Kathryn nakaramdam ng panghihinayang sa nagdaang relasyon?
Kathryn nakaramdam ng panghihinayang sa nagdaang relasyon? WALANG nararamdamang panghihinayang ang Kapamilya actress at itinanghal na Outstanding Asian Star na si Kathryn Bernardo sa kanyang nagdaang relasyon. Ito ay tahasan niyang inamin sa naging panayam niya sa kanyang naging interview sa “Fast…
Kathryn ayaw na sanang gawin ang ‘Hello, Love, Again’, anyare?
Kathryn ayaw na sanang gawin ang ‘Hello, Love, Again’, anyare? Kathryn Bernardo at Alden Richards AYAW na palang gawin ni Kathryn Bernardo ang “Hello, Love, Again“, ang part 2 ng super blockbuster movie nila ni Alden Richards na “Hello, Love, Goodbye” na tumabo sa…
Atom Araullo happy ang lovelife: Nagkakaintindihan kami sa tsismis
Atom Araullo happy ang lovelife: Nagkakaintindihan kami sa tsismis Atom Araullo at Zen Hernandez TINAWAG ng Kapuso news anchor at dokumentaristang si Atom Araullo na “great relationship” ang relasyon nila ngayon ng kanyang special someone. Matagal nang napapabalita ang tungkol sa pagiging…
End of content
No more pages to load