Rita Daniela nagmakaawa kay Archie Alemania: ‘Kuya, huwag! Kuya kita’
NA-SHOCK ang mga supporters ng Kapuso actress at singer na si Rita Daniela matapos sampahan ng kasong acts of lasciviousness ang aktor na si Archie Alemania.
Maraming nakisimpatya sa umano’y dinanas ni Rita sa mga kamay ng komedyante na nangyari umano nito lamang nagdaang Setyembre.
Pormal na nagsampa ng demanda ang aktres kahapon, October 30, sa Office of the City Prosecutor sa Bacoor City kung saan ibinunyag niyang hinalikan at hinawakan siya sa maseselang bahagi ni Archie.
Base sa complaint affidavit na isinumite ni Rita sa piskalya, naganap ang umano’y pambabastos nang um-attend siya sa pa-thanksgiving party ni Bea Alonzo last September. Magkakasama sa Kapuso series na “Widows’ War” sina Archie, Rita at Bea.
Ani Rita, hindi na raw sana siya pupunta sa naturang event dahil nasa ospital ang kanyang nanay. Hindi lang daw siya makatanggi sa imbitasyon ni Bea.
Nakita ni Rita si Archie at halatang lasing na raw ito nang dumating siya sa party ni Bea at nag-dialogue pa raw ito ng, “Naku, Rita, huwag ka lumapit sa akin, napaka-f*ck*ble mo tonight ah!”
Mas matindi pa raw ang narinig niya kay Archie nang mag-duet sila ng isa pang Kapuso actor na si Royce Cabrera. Sabi raw ni Archie, “Brad tirahin mo na yan! Tang-ina Royce, tirahin mo na yan!”
Sabi ng abogado ni Rita na si Atty. Marie Glen Abraham-Garduque sa panayam ng “24 Oras”, “So doon pa lang, nao-offend na si Rita. She felt uncomfortable already but she did not confront Archie during that time kasi ang dating sa kanya baka he did not mean it, lasing lang, nagbibiro lang.”
Nang pauwi na si Rita dakong 2:30 a.m. ng September 9, at nag-book ng Grab, ay sinamahan pa raw siya ni Redgynn Alba, ang senior program manager ng “Widows’ War”.
“Suddenly, a white SUV stopped in front of us and when the window rolled down I was surprised to see the Respondent (Archie Alemania) inside it, saying ‘Tara na, sumakay ka na, ihatid na kita.
“That I initially refused his offer since the Grab ride was already on its way but Respondent insisted by saying, ‘Ano ka ba sobrang late na. Ma-rape pa ng Grab driver. Icancel mo na yan!’
“Thinking that he was already sober and that he went back to his being an elder brother who could safely take me home. I agreed to ride with him and cancelled my Grab ride,” salaysay pa ni Rita.
Habang nasa loob na sila ng sasakyan at binabagtas ang Cavitex, bigla na lang siyang hinawakan ni Archie sa leeg at balikat. At nang makarating na raw sila sa bahay nila, ay nag-request na ang aktor ng kiss.
“However, this did not deter the Respondent, instead he forcibly got hold of my head and locked it with his grip and gave me a torrid kiss on the lips with his tongue out trying to put it inside my mouth.
“Feeling sexually violated, I pushed the Respondent with all my might while shouting at him to stop. I struggled several times but he did not stop on brushing his lips on mine against my will,” pahayag pa ni Rita.
Binulungan pa umano siya ni Archie ng, “Pa-booking naman sige na.”
“Nagsabi siya noon na, ‘Kuya, huwag! Kuya kita.’ So, kasi nga Rita was treating Archie as an elder brother, e,” sabi pa ni Atty. Marie Glen.
Umiiyak na raw si Rita habang nagpupumiglas para makalabas na siya sa sasakyan ng aktor.
“She was forced and she was kissed by Archie that time. There was also touching that happend, like yung maseselang bahagi ng katawan niya, like breast was also being touched during that time,” ayon pa sa legal counsel ng aktres.
Kinabukasan, naka-receive umano ng text message si Rita mula kay Archie at humihingi ng sorry at sinabing lasing lang daw siya nu’ng gabing yun.
“This is not easy for Rita. I mean in any woman, it’s really hard for them to come out and magsabi ng ganitong mga krimen and mag-file ng ganitong nature,” sabi pa ni Atty. Marie Glen.
Samantala, nag-issue na rin ng official statement ang Sparkle Artist Center hinggil sa nangyari kay Rita.
“We at Sparkle GMA Artist Center are committed to ensuring a safe and respectful environment for everyone.
“Regarding the recent incident involving Rita Daniela and Archie Alemania, we have listened to both sides of the story over the past weeks.
“We believe this matter should be addressed in the proper forum, and we encourage both parties to engage in dialogue to resolve this issue fairly.
“We remain dedicated to supporting our artists and ensuring their well-being. We trust that this process will lead to a constructive resolution.
“Thank you for your understanding and support.”
News
Kathryn nakaramdam ng panghihinayang sa nagdaang relasyon?
Kathryn nakaramdam ng panghihinayang sa nagdaang relasyon? WALANG nararamdamang panghihinayang ang Kapamilya actress at itinanghal na Outstanding Asian Star na si Kathryn Bernardo sa kanyang nagdaang relasyon. Ito ay tahasan niyang inamin sa naging panayam niya sa kanyang naging interview sa “Fast…
Kathryn ayaw na sanang gawin ang ‘Hello, Love, Again’, anyare?
Kathryn ayaw na sanang gawin ang ‘Hello, Love, Again’, anyare? Kathryn Bernardo at Alden Richards AYAW na palang gawin ni Kathryn Bernardo ang “Hello, Love, Again“, ang part 2 ng super blockbuster movie nila ni Alden Richards na “Hello, Love, Goodbye” na tumabo sa…
Atom Araullo happy ang lovelife: Nagkakaintindihan kami sa tsismis
Atom Araullo happy ang lovelife: Nagkakaintindihan kami sa tsismis Atom Araullo at Zen Hernandez TINAWAG ng Kapuso news anchor at dokumentaristang si Atom Araullo na “great relationship” ang relasyon nila ngayon ng kanyang special someone. Matagal nang napapabalita ang tungkol sa pagiging…
It’s Showtime Tsutsugiin Diumano ng GMA sa December
It’s Showtime Tsutsugiin Diumano ng GMA sa December yon sa isang artikulo ng PSN, usap-usapan ngayon na hanggang Disyembre na lang daw mapapanood ang Kapamilya noontime show na “It’s Showtime” sa GMA. Isang source raw ang nagsiwalat na posibleng ito…
HOT : Toni manhid na sa panlalait ng bashers; Alex pinatawad kinasuhang basher
Toni manhid na sa panlalait ng bashers; Alex pinatawad kinasuhang basher Toni Gonzaga, Alex Gonzaga, Daddy Bonoy at Mommy Pinty WALA nang epek sa magsisteraka na sina Toni at Alex Gonzaga ang pambebengga sa kanila ng mga bashers, lalo na kung alam nilang hindi…
Hugot ni Toni Gonzaga: Walang ina na gustong ipahamak ang anak
Hugot ni Toni Gonzaga: Walang ina na gustong ipahamak ang anak NANINIWALA ang actress-vlogger na si Toni Gonzaga na walang nanay ang gustong mapahamak ang kanilang mga anak. Sa latest episode ng kanyang vlog na uploaded nitong Linggo, October 27, ay naging…
End of content
No more pages to load