Sanya pinalabas ng artista sa tent dahil extra lang; nginudngod sa eksena
NARANASAN din pala ng Kapuso actress na si Sanya Lopez na mapalayas ng tent sa shooting noong nag-eekstra pa lang siya sa TV at pelikula.
Fresh na fresh pa sa utak ng dalaga ang nangyari noon sa kanya habang nasa shooting ng isang TV show kung saan pinalabas siya ng isang artista mula sa tent na kanilang tinutuluyan.
Maraming rebelasyon si Sanya sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” kabilang na ang mga pagsubok na pinagdaanan niya noong nagsisimula pa lamang siyang mangarap na maging artista.
“Sa akin po Tito Boy, kasi mahirap din po talaga. Sa mga nakakakilala sa akin, alam nila kung paano muna ako naging artista,” simulang pagbabalik-tanaw ni Sanya.
“Dumating pa ako sa point na naging extra ako ni Bianca (Umali), with Ashley Ortega,” kuwento ni Sanya na nag-extra raw noon sa Kapuso series na “Wish I May” noong 2016.
Pagpapatuloy ng Kapuso star, “Parang may kailangang ingudngod doon. Ako ‘yung nginudngod,” ang natawang chika pa ng isa sa lead star ng GMA Prime series na “Pulang Araw”.
Nagulat naman si Bianca na kuwento ni Sanya na guest din sa naturang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda”, “Huh? Ngayon ko lang naririnig ‘yung kuwento na ‘to!”
Reaksyon ni Sanya, “Pero isang beses lang naman po ‘yun.”
“May muntik-muntikan daw, si Ashley din naman po ‘yun, kontrabida mo (Bianca) roon si Ashley. Kailangang ingudngod doon tapos ikaw ‘yung nasa CR. Okay naman sa akin Tito Boy,” patuloy pa niya.
Kasunod nito, naikuwento rin ni Sanya ang pagpapalayas sa kanya ng isang artista mula sa isang tent habang nasa shooting.
“Napalabas po ako ng tent kasi hindi raw ako artista. For artista raw po ‘yun. Tapos sabi ko, ‘Sige po.’
“Okay lang naman sa akin. That time hindi ko siya dinidibdib kasi hindi naman talaga ako artista that time, parang feeling ko ang sabi, ‘Ay beh, alis ka diyan hindi ka naman artista.’ Tapos sabi ko, ‘Ah sige po,’ alis ako,” chika pa niya.
Nag-eenjoy naman daw kasi siya sa pagiging extra lalo na kapag nabigyan siya ng isa o dalawang lines sa kanyang eksena.
“Happy ako that time pero naisip ko lang Tito Boy, kung hindi siguro nangyari sa akin ‘yun tapos ganito ‘yung mga blessings na ibinibigay ni Lord sa akin, baka ang laki-laki ng ulo ko, sobra.
“Doon ko rin ina-appreciate na lahat ng mga kasama natin, artista man o hindi, dapat isa lang ‘yung pagrespeto mo sa kanila.
“Kasi we can never tell. Bilog ang mundo. So hindi natin alam na siya na ‘yung susunod, siya ‘yung makakasama mo.
“You have to be nice to everyone. Be kind talaga and respect them. Kahit ano pa ‘yung estado nila sa life,” pahayag pa ni Sanya na umaani ngayon ng papuri bilang si Teresita sa “Pulang Araw”.
Ayon sa mga manonood at netizens, hindi raw nagpapatalbog ang aktres sa mga co-stars niya sa serye na sina Alden Richards, Barbie Forteza at David Licauco.
News
Rita Daniela, sinampahan ng reklamo si Archie Alemania sa di-umano’y pambabastos
Rita Daniela, sinampahan ng reklamo si Archie Alemania sa di-umano’y pambabastos Nagsampa ng reklamong acts of lasciviousness ang Kapuso singer-actress na si Rita Daniela laban sa aktor na si Archie Alemania sa Office of the Prosecutor ng Bacoor City Ayon…
Rita Daniela nagmakaawa kay Archie Alemania: ‘Kuya, huwag! Kuya kita’
Rita Daniela nagmakaawa kay Archie Alemania: ‘Kuya, huwag! Kuya kita’ NA-SHOCK ang mga supporters ng Kapuso actress at singer na si Rita Daniela matapos sampahan ng kasong acts of lasciviousness ang aktor na si Archie Alemania. Maraming nakisimpatya sa umano’y dinanas ni Rita sa mga…
Rita Daniela kinasuhan ng acts of lasciviousness si Archie Alemania
Rita Daniela kinasuhan ng acts of lasciviousness si Archie Alemania KINASUHAN ng acts of lasciviousness ng Kapuso actress-singer na si Rita Daniela ang aktor na si Archie Alemania sa Office of the City Prosecutor sa Bacoor City. Naghain ng formal complaint si Rita laban…
Kathryn nakaramdam ng panghihinayang sa nagdaang relasyon?
Kathryn nakaramdam ng panghihinayang sa nagdaang relasyon? WALANG nararamdamang panghihinayang ang Kapamilya actress at itinanghal na Outstanding Asian Star na si Kathryn Bernardo sa kanyang nagdaang relasyon. Ito ay tahasan niyang inamin sa naging panayam niya sa kanyang naging interview sa “Fast…
Kathryn ayaw na sanang gawin ang ‘Hello, Love, Again’, anyare?
Kathryn ayaw na sanang gawin ang ‘Hello, Love, Again’, anyare? Kathryn Bernardo at Alden Richards AYAW na palang gawin ni Kathryn Bernardo ang “Hello, Love, Again“, ang part 2 ng super blockbuster movie nila ni Alden Richards na “Hello, Love, Goodbye” na tumabo sa…
Atom Araullo happy ang lovelife: Nagkakaintindihan kami sa tsismis
Atom Araullo happy ang lovelife: Nagkakaintindihan kami sa tsismis Atom Araullo at Zen Hernandez TINAWAG ng Kapuso news anchor at dokumentaristang si Atom Araullo na “great relationship” ang relasyon nila ngayon ng kanyang special someone. Matagal nang napapabalita ang tungkol sa pagiging…
End of content
No more pages to load