Sylvia kay Maine bilang manugang: Suplada raw, ‘wag n’yo siyang i-judge
PURING-PURI ng award-winning actress na si Sylvia Sanchez ang mga asawa ng kanyang dalawang anak na sina Arjo at Ria Atayde.
Kino-consider ng Kapamilya star ang kanyang sarili na maswerteng mother-in-law sa kanyang mga manugang na sina Maine Mendoza, wifey ni Arjo at Zanjoe Marudo, ang husband naman ni Ria.
Ayon kay Ibyang (palayaw ng aktres), feeling lucky siya sa kanyang in-laws dahil bukod sa mababait at responsableng asawa ang mga ito ay talagang marespeto rin sa kanilang buong pamilya.
Nagkuwento si Sylvia tungkol sa ugali ng kanyang mga manugang sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong nagdaang Biyernes, October 25 at okay na okay naman daw ang relationship niya kina Maine at Zanjoe.
Paglalarawan niya kay Maine, sobra raw itong mahiyain nang unang beses na magpunta sa bahay nila, “Du’n ko nakita, kasi sinasabi nila suplada, Kuya Boy, nami-misinterpret si Maine.
“Sobra siya talagang mahiyain. Kung alam lang nila. May mga nagsasabi sa ‘kin, suplada, hindi. ‘Wag n’yo i-judge ‘yung tao kasi nakita ko siya e, nag-usap kami,” pahayag pa ni Sylvia.
Chika ni Ibyang, noong first time raw na dinala ni Arjo si Maine sa bahay nila ay halos 15 minutes daw itong nasa labas lang dahil nahihiya raw sa kanya.
Dito raw napatunayan ni Sylvia na introvert si Maine, ibang-iba raw kapag napapanood niya ang aktres at TV host sa “Eat Bulaga.”
“Ako mismo, na-experience ko. Sabi, ‘Mommy, nahihiya pa, sandali lang.’ ‘Halika na, sige.’ Lumabas si Arjo, pagbalik niya, ako na sumalubong. ‘Hi, Maine!’ Niyakap ko na, sobrang lamig,” sey ni Sylvia.
Samantala, tulad ni Maine ay mahiyain din si Zanjoe sa tunay na buhay pero simula pa lang daw ng relasyon ng aktor at ng anak niyang si Ria ay gusto na niya ito.
“Mabait kasi, kasama ko kasi ‘yan, nakakatrabaho ko, nakakasama ko sa trabaho. Swerte ako bilang mother-in-law dahil meron akong Maine Mendoza na daughter-in-law, at Zanjoe Marudo na son-in-law,” pagmamalaki ni Sylvia.
Sa tanong naman ni Tito Boy kung anong klase naman siyang biyenan, tugon ni Sylvia, “Ay, okay naman. Gusto ko lang si Z (Zanjoe) at si Maine ang magsabi niyan pero okay kami.”
News
It’s Showtime Tsutsugiin Diumano ng GMA sa December
It’s Showtime Tsutsugiin Diumano ng GMA sa December yon sa isang artikulo ng PSN, usap-usapan ngayon na hanggang Disyembre na lang daw mapapanood ang Kapamilya noontime show na “It’s Showtime” sa GMA. Isang source raw ang nagsiwalat na posibleng ito…
HOT : Toni manhid na sa panlalait ng bashers; Alex pinatawad kinasuhang basher
Toni manhid na sa panlalait ng bashers; Alex pinatawad kinasuhang basher Toni Gonzaga, Alex Gonzaga, Daddy Bonoy at Mommy Pinty WALA nang epek sa magsisteraka na sina Toni at Alex Gonzaga ang pambebengga sa kanila ng mga bashers, lalo na kung alam nilang hindi…
Hugot ni Toni Gonzaga: Walang ina na gustong ipahamak ang anak
Hugot ni Toni Gonzaga: Walang ina na gustong ipahamak ang anak NANINIWALA ang actress-vlogger na si Toni Gonzaga na walang nanay ang gustong mapahamak ang kanilang mga anak. Sa latest episode ng kanyang vlog na uploaded nitong Linggo, October 27, ay naging…
Sylvia minaliit sa showbiz, sinabihang: Hindi marunong umarte yan!
Sylvia minaliit sa showbiz, sinabihang: Hindi marunong umarte yan! SA halip na isumpa at pagsalitaan din ng masasama, pinasalamatan pa ni Sylvia Sanchez ang lahat ng taong nanlait at nang-alipusta sa kanya noon. Nagsisimula pa lamang sa showbiz ang award-winning actress, ay nakatanggap na siya ng…
Ai Ai masakit magsalita sa mga anak kapag nagagalit, namana sa ina
Ai Ai masakit magsalita sa mga anak kapag nagagalit, namana sa ina Ai Ai delas Alas kasama ang mga anak AMINADO ang Comedy Queen at Kapuso star na si Ai Ai delas Alas na masakit siyang magsalita sa kanyang mga anak kapag nagagalit. Hindi…
Angelica Yulo dapat paghandaan ang pagrampa sa Mrs. Philippines 2025
Angelica Yulo dapat paghandaan ang pagrampa sa Mrs. Philippines 2025 Angelica Yulo MAGKAKAIBA ang payo ng mga netizens sa panghihikayat sa nanay ni Carlos Yulo na si Angelica Yulo na mag-join sa Mrs. Philippines 2025. Marami kaming nababasa na nagsasabing wala namang mawawala kay…
End of content
No more pages to load