Sylvia minaliit sa showbiz, sinabihang: Hindi marunong umarte yan!

Sylvia minaliit sa showbiz, sinabihang: Hindi marunong umarte yan!

Sylvia minaliit sa showbiz, sinabihang: Hindi marunong umarte yan!

SA halip na isumpa at pagsalitaan din ng masasama, pinasalamatan pa ni Sylvia Sanchez ang lahat ng taong nanlait at nang-alipusta sa kanya noon.

Nagsisimula pa lamang sa showbiz ang award-winning actress, ay nakatanggap na siya ng masasakit na salita mula sa mga taga-industriya na hindi naniwala sa kakayahan niya sa pag-arte.

Isa raw ito sa mga challenging part ng kanyang naging journey sa entertainment industry at talagang never na niyang makakalimutan sa buong buhay niya.

Sa panayam kay Ibyang ng “Fast Talk with Boy Abunda” marami raw nagsabi at talagang ipinamukha sa kanya na hindi raw siya marunong umarte.

“‘Yung alam mo ‘yung nililiit ka? Minsan, naririnig ko, dedma lang ako. O, ‘di kaya ‘yung tingin sa ‘yo mula ulo hanggang paa na parang, alam mo ‘yun, nakakapanliit. Sobra!” rebelasyon ni Sylvia.

“Tapos ‘yung sasabihan ka na, ‘hindi naman marunong umarte ‘yan!’” dugtong pa ng nanay nina Arjo at Ria Atayde na isa na ngayon sa mga itinuturing na pinakamagaling na aktres sa Pilipinas.

Ngunit sa kabila nga nito, pinasasalamatan pa ni Sylvia ang lahat ng mga nangmaliit sa kanya.

“Dahil sa kanila, nagpursige ako. Dahil ‘pag once nakarinig ako ng negative para sa akin, of course nasasaktan ako.

“Pero hindi ko ginagawang negative ‘yon sa buhay ko. Ginagawa kong challenge,” esplika ni Ibyang.

Ipinangako rin niya sa kanyang sarili na darating ang araw at mapapansin din siya sa mundong minahal niya mula noon hanggang ngayon at mapatutunayan niya sa lahat na marunong din siyang umarte.

Marami-rami na ring napanalunan si Ibyang na tropeo, kabilang na riyan ang Movie Actress of the Year last year mula sa 37th Star Awards for Movies para sa natatangi niyang pagganap sa “Coming Home.”

Related Posts

Our Privacy policy

https://todaynews24hr.com - © 2024 News