Simple ang pagpakita ng suporta ni Julia Montes, 25, sa bagong proyektong pagbibidahan ng rumored boyfriend niyang si Coco Martin, 39.
Sa kanyang Instagram Stories noong February 2, nag-post si Julia ng video ng trailer ng Love or Money, ang pelikulang pinagbibidahan nina Coco at Angelica Panganiban.
Tanging caption ni Julia ay promo ng playdate ng pelikula sa March 12.
Hindi kaila sa publiko na matagal nang nauugnay sina Julia at Coco.
Walang direktang kumpirmasyon mula sa kanila, pero kinakikiligan ng kanilang avid fans ang mga pagkakataong nagpapahiwatig si Julia ng pagsuporta sa mga proyekto ng aktor.
Consistent din si Julia sa pag-post ng litrato ni Coco sa tuwing kaarawan ng Kapamilya actor, tulad noong November 1, 2020.
JULIA AND HER DIAMOND RING
Noong buwan ng October at November 2020, napansin ng mapanuring netizens ang diamond ring na suot ni Julia sa ilan sa kanyang Instagram photos.
Kung minsan ay nakatago ang diamond stone at tanging ang white gold band ring lang ang makikitang nakasuot sa left ring finger ni Julia.
Pero may mga pagkakataon ding nakalabas ang diamond stone sa mga litratong pinu-post niya sa Instagram.
Bunsod nito, may ibang netizens ang napatanong kung engaged na raw ba si Julia, dahil karaniwang style ng engagement ring ang ring band na may malaking diamond stone.
Karaniwan ding sa left ring finger isinusuot ang isang engagement ring.
Tikom ang bibig ni Julia ukol dito.
REPORTED PREGNANCY
Hanggang ngayon ay wala ring direktang kumpirmasyon mula kay Julia o kay Coco tungkol sa balitang mayroon silang anak.
December 2018 nang maging usap-usapan ang pagbubuntis umano ni Julia at sinasabing si Coco ang ama. Dalawang buwan pa lamang noon mula nang matapos ang afternoon primetime series ni Julia na Asintado.
Dinenay ni Coco ang isyu noon.
Noong April 2019, naiulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kumpirmasyon mula sa ilang showbiz insiders tungkol sa panganganak ni Julia sa Manila.
Ito ay matapos ang ilang buwang pananatili ni Julia sa Germany kasama ng German father niyang nakabase roon.
Lumipas ang panahon at nagbalik-trabaho si Julia sa ABS-CBN weekly series na 24/7 noong February 2020. Na-suspend iyon dahil sa hindi inaasahang COVID-19 pandemic.
Si Coco ay nanatili ring pribado sa usaping love life. Mas pinipili niyang tutukan ang trabaho sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano, na patuloy na umeere sa A2Z, cable channels, at digital platforms ng ABS-CBN.
Noong December 2020, naging tampok ng usap-usapan ang feeding bottle na kita sa litrato ni Coco habang naghahanda ito ng ilulutong roasted pig.
Makikita iyon sa isang fan account sa Instagram.
Nabuhay ang mga katanungan ng netizens hinggil sa napabalita noong pagkakaroon ng anak nina Coco at Julia.
Pero walang pahayag si Coco hinggil dito.
News
Amanda Zamora NAGSALITA NA sa ISTADO ng RELASYON NILA ni Daniel Padilla!
Sa wakas, nagsalita na si Amanda Zamora tungkol sa matagal nang usap-usapan sa social media tungkol sa umano’y relasyon nila ng aktor na si Daniel Padilla. Matapos ang ilang linggo ng mga spekulasyon, nagbigay ng pahayag si Amanda sa isang…
Surprise Reveal! Tatlo na Pala: Mga Anak ni Julia Montes at Coco Martin, Lahat Kamukha ni Julia?
Matapos ang ilang buwang pananahimik tungkol sa kanilang relasyon, tila handa na si Kathryn Bernardo na bigyan ng “second chance” si Daniel Padilla. Ang sikat na real-life couple, na kilala sa buong bansa bilang KathNiel, ay muling naging usap-usapan matapos…
Julia Montes: Grabe naman sa surprise! Grabe sa kilig. Thank you for this Real Coco Martin Thank you
Coco Martin’s Sweet Surprise for Julia Montes In a heartwarming display of affection, Filipino superstar Coco Martin has once again set social media ablaze with his romantic gesture towards rumored girlfriend and fellow actress, Julia Montes. The video, which quickly…
Coco Martin Shocked by Wife’s Unexpected Pregnancy Announcement: Fans React with Overwhelming Support
Good evening, ladies and gentlemen! We have some sensational news that has sent shockwaves through the entertainment industry. The beloved Filipino actor and heartthrob Coco Martin is reportedly in a state of shock after his wife made a surprising announcement…
OMG, Coco Martin And Julia Montes Were *Spotted* Holding Hands In Public And We’re So Kilig
Here’s some great news for #CocoJul fans: Coco Martin and Julia Montes were recently *spotted* at an event together! Even better, they two were openly ~*affectionate*~ for the first time since they were rumored to be dating. ICYDK, Coco and Julia attended the watch party of ABS-CBN and GMA…
SINABI LAHAT ni Sue Ramirez ANG PANLOLOKO ni Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo!
Kasalukuyang laman ng social media ang diumano’y pagsisiwalat ng aktres na si Sue Ramirez tungkol sa umano’y panloloko ni Daniel Padilla sa kanyang nobya na si Kathryn Bernardo. Ayon sa mga balitang kumakalat, tila naging bukas si Sue sa pagbabahagi…
End of content
No more pages to load