Hindi direktang sinagot ni Enchong Dee ang report ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na break na sila ni Julia Montes.
Sa report na lumabas dito sa PEP noong Sabado, November 10, kinumpirma ng isang source na nag-break sina Enchong at Julia noong kaligitnaan ng October.
Pero ayon din sa source, “maayos naman sila” ngayon, pagkatapos ng breakup.
Sa panayam ng The Buzz kay Enchong kahapon, November 11, ay tinanong siya tungkol sa lumabas na report sa PEP.
Sagot niya, “Naku, hayan na naman sila. Hayan na naman.
“Pero siguro, mas magandang huwag na lang sagutin.
“Kasi, every time na sumasagot ako, hindi naman nila pinaniniwalaan yung sagot ko.
“So, yun na lang.”
Toto bang “mid-October” ng taong kasalukuyan sila nag-break ni Julia?
“Hindi po!” natatawang sagot ng young actor.
BIRTHDAY SURPRISE. Maliban doon ay wala nang naging pahayag ang young actor tungkol sa balitang breakup, imbes ay ikinuwento niya ang birthday surprise na ginawa para sa kanya ni Julia.
Noong November 5 nagdiwang ng kanyang 24th birthday si Enchong.
Kuwento ni Enchong, “Actually, yes, sa L.A. Meron kasi kaming show sa L.A.
“Tapos, after ng show namin, meron kasi akong ibibigay na regalo dun sa producer namin, kasi nga, merong nagpaabot.
“Pagbukas ko ng pinto, I didn’t know na yun pala ang kuwarto niya [Julia].
“Pagpasok ko, nandoon na silang lahat and she’s the one who organized it.”
PEP STANDS BY ITS STORY. Bago lumabas ang report tungkol sa kanilang breakup ay walang ginawang pag-amin sina Enchong at Julia tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.
Nang lumabas ang report ng PEP, nagsalita si Enchong na hindi sila break na ang ibig sabihin ay sila pa rin.
Nirerespeto ng PEP ang desisyon ni Enchong na huwag direktang sagutin ang isyu.
Karapatan ng sinumang artista na huwag isiwalat sa publiko ang lahat ng nangyayari sa kanilang buhay, kasama na ang kanilang pakikipagrelasyon.
Karapatan din nilang hindi magpa-interview, hindi umamin, at hindi magpaliwanag sa mga isyung kinasasangkutan nila.
Ngunit sa huli, naninindigan ang PEP sa inilabas nitong report.
News
Kathryn Bernardo, Nahuli si Daniel Padilla at Gillian Vicencio?!
Kathryn Bernardo Nahuli si Daniel Padilla Kasama si Gillian Vicencio? Ang love team nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, kilala rin bilang “KathNiel,” ay isa sa pinakamatibay at pinakatanyag sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Kamakailan lamang, lumabas ang mga…
Kathryn Bernardo, nag-open up sa naging relasyon nila ni Daniel Padilla. Siguro dahil sa bata?
Kathryn Bernardo, in her recent interview, opened up about her previous relationship with Daniel Padilla and how it impacted her life. During the interview, Kathryn told Boy Abunda that she has learned so much from the relationship she has had…
Kathryn Bernardo no regrets on past with Daniel Padilla, ready to love again. Confession from Kathryn Bernardo (VIDEO)
Kathryn Bernardo no regrets on past with Daniel Padilla, ready to love again. Confession from Kathryn Bernardo (VIDEO) Kathryn Bernardo stressed that she doesn’t regret anything in her 11-year romance with Daniel Padilla, noting that their breakup made her realize how…
Biglang nahirapan ang ina ng ex-lover ni KYLINE Alcantara nang malaman ang tungkol sa relasyon nila ni Kobe Paras
Ina ng Ex ng Kyline Alcantara, Nagulat at Nahihirapan Nang Malaman ang Relasyon Nito kay Kobe Paras Isang hindi inaasahang reaksyon ang ipinakita ng ina ng dating kasintahan ni Kyline Alcantara nang lumabas ang balitang si Kyline ay kasalukuyang karelasyon…
(VIDEO) Benjie Paras TUTOL sa RELASYON ng Anak na si KOBE Paras kay KYLINE Alcantara
Benjie Paras Opposes Son Kobe Paras’s Relationship with Kyline Alcantara The romance between basketball star Kobe Paras and actress Kyline Alcantara has captured public interest, but recent reports reveal that Kobe’s father, basketball legend Benjie Paras, does not fully approve…
🔴Benjie Paras, Ibinunyag na Nagli-Live-In na sila Kobe Paras at Kyline Alcantara! 🔴
Benjie Paras Reveals Kobe Paras and Kyline Alcantara Are Already Living Together! In a surprising revelation, Benjie Paras, father of basketball star Kobe Paras, has shared that Kobe and his girlfriend, actress Kyline Alcantara, are now living together. This unexpected…
End of content
No more pages to load