Kathryn nakaramdam ng panghihinayang sa nagdaang relasyon?
WALANG nararamdamang panghihinayang ang Kapamilya actress at itinanghal na Outstanding Asian Star na si Kathryn Bernardo sa kanyang nagdaang relasyon.
Ito ay tahasan niyang inamin sa naging panayam niya sa kanyang naging interview sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, October 28.
Matatandaang mahigit isang dekada o 11 years ring nagtagal ang relasyon ni Kathryn sa Kapamilya actor na si Daniel Padilla.
“I’ve only been into one relationship that lasted for 11 years so I’ve learned so much from my past relationship.
“I’m talking about growth, I’m talking about being unselfish, about gratitude, dreams, and all. Lumaki ako sa 11 years ng relationship na ‘yun,” pagbabahagi ni Kathryn.
Maging noong matapos raw ang kanilang relasyon ni Daniel ay marami pa rin siyang natutunan.
“When the break-up happened, ang dami ko ring natutunan after sa sarili ko at sa lahat ng mga nangyayari,” lahad ni Kathryn.
Isa rin sa naging highlight na natutunan niya sa sarili matapos ang break up ay ang pagiging matapang siya.
Chika pa ni Kathryn, “I think it’s safe to safe na I’m pretty strong. I didn’t expect myself… of all the people here didn’t expect na I will handle it that way. Me too, I didn’t expect it.
“That moment in my life tested me so much and feeling ko sobra po akong na-guide. Ang galing.”
Sa tanong naman kung may ano ang magiging payo ni Kathryn sa nakababatang Kathryn matapos ang nangyari, wala taw siyang masasabi o maa-advice.
“You know, nothing. I don’t regret anything,” sey ng dalaga.
Pagpapatuloy niya, “Alam kong maraming magku-question n’on but it was 11 beautiful years. And grabe ‘yung naging… Kung ano ‘yong nakikita n’yo ngayon, ang laki ng part ng 11 years na ‘yon.
“‘Kung nandiyan si little Kath, sasabihin ko, ‘You know, ayaw kitang pangunahan. I want you to experience all these emotions, all these things, kasi it’s gonna be a big part of your growth.’”
November 2023 nang magulantang ang madlang pipol matapos kumpirmahin ni Kathryn ang matagal nang bulung-bulungan patungkol sa paghihiwalay nila ni Daniel sa pamamagitan mg isang Instagram post.
Sinundan naman ni Daniel ang inilabas na pahayag ng dalaga,