Toni manhid na sa panlalait ng bashers; Alex pinatawad kinasuhang basher
WALA nang epek sa magsisteraka na sina Toni at Alex Gonzaga ang pambebengga sa kanila ng mga bashers, lalo na kung alam nilang hindi naman totoo ang mga ibinabato sa kanila.
Nakachikahan namin si Alex sa launch ng bago niyang endorsement, ang Chef Ayb’s Paragis tea and capsule kamakailan at isa nga sa mga naitanong sa kanya ay kung paano nila hina-handle ni Toni ang pamba-bash sa kanila.
Tinanong si Alex kung nasasaktan ba siya kapag ninenega sa social media ang kanyang Ate, “Hindi, kasi hindi naman nasasaktan ang ate ko, e. Kapag nakita mo ate ko kasi hindi talaga.
“Siguro minsan nasa-shock siya. May mga tao noon, noon pa naman iyon, na-shock siya, ‘Ay nasabi pala sa akin yan!’ Pero hindi naman ako nasasaktan kasi hindi naman siya nagpapakita nang nasasaktan siya,” kuwento ng aktres at content creator.
“Kapag naman kasi may isang bagay na hindi totoo, na alam mo naman sa sarili mo ang totoo, hindi ka naman masasaktan.